Ito ang isa sa malaking pagbabago na nangyari sa buhay ko, aside from being married. Ang Winter!! Di ba galing tayo nang Pilipinas eh ang bansa natin ay tropical halos araw araw na ginawa nang Diyos talagang ang init. Nung dumating ako dito November 2004 halos mag simula na ang Winter pero ang lamig na at may snow na talaga. Di ko alam gagawin ko ang kati nang katawan ko, bigla nalang nag ka dandruff ako eh wala naman akong dandruff sa Pilipinas. At ang ayaw na ayaw ko ay yung mag suot nang medyas, ang kapal nang jacket, kung mag coat ka naman ang bigat, halos tatlo ang suot mong shirt, at may thermal underware ka pa!!! Pwera pa yung boots grabe talaga.
Itong picture na ito is the first time na nangyari that we get stuck sa drive way namin. Ang husband ko ang nag drive at ang alaka niya mababaw lang ang snow di niya akalain di kaya nang car ko ang kapal nang snow. Ang nangyari ako ang nag shovel sa gilid para makuha ang snow sa ilalim pero kahit ano pa ginawa kong pag shovel talagang di ko kaya at ang lamig pa hanggang I get frustrated at umiyak nalang ako. Si hubby di pwedeng mag shovel kakahulog lang from the ladder, arghhh!
This is one of my steps and this is until my knees!!More of Litratong Pinoy here
4 comments:
minsan ko lang naranasan ang winter, at di pa nga kasing kapal ang snow sa litrato, pero pakiramdam ko, parang mamamatay ako sa lamig (LOL). kahit ilang patong at damit at jacket ko, parang sagad to the bones ang ginaw. gumanda naman ang hair ko nong winter na yon, pero napuno ang mukha ko ng pimples--sobrang dami na kailangan kong magpa derma pag uwi ko ng Pinas.:D
I can relate about the big jump from tropical weather to winter...masho-shock talaga ang system kapag hindi gradual ang introduction. I hope sanay ka na sa lamig at bigat ng winter clothes.
Happy LP!
Grabe nga yung unang mong experience nang winter diyan. Siyempre komo galing ka sa isang mainit na bansa at bigla ka na lang napasabak sa sobrang ginaw nang winter ay mahihirapn ka sa umpisa. Kawawa ka naman nang mag shovel ka nang snow na hanggang tuhod. Napakahirap na trabaho yun para sa isang babae. Anyway, over the years ay nasanay ka na rin siguro sa extreme weather conditions during winter sa lugar ninyo. Ang katawan naman ay madaling makapag adjust sa change of environment. Thanks for the post. God bless you all always.
I can relate to that experience. Actually kung tutuusin hindi naman ang snow ang malamig kundi ang hangin. Na stocked na ri ako sa snow noon buti nalang hindi sa road.lol
Post a Comment